DOTr, pinag-aaralan na ang gradual increase sa capacity ng public transport

Ikinokonsidera na ng Department of Transportation (DOTr) ang gradual increase sa kapasidad ng public transport, kasunod ng pagluluwag sa quarantine restrictions.

Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, pinag-aaralan na ng departamento kung papaanu mapapalakas ang capacity sa public transport nang hindi makokompromiso ang health safety standards.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sa ngayon, nasa 5% hanggang 10% ang target ng DOTr na maidagdag mula sa kasalukuyang capacity.

Binigyang diin naman ni Tugade na handa na ang public transport stakeholders para sa pagtataas ng capacity, bagama’t ang pinal na desisyon ay nasa kamay parin ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Mababatid na sa kasalukuyan, nasa 50% ang capacity sa mga public transport habang ang NCR Plus bubble o ang Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan ay nananatili sa ilalim ng general community quarantine (GCQ). // MHEL PACIA-TRINIDAD