Expansion ng PetroChemicals Manufacturing Complex sa Batangas, kinilala ni PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagpapasinaya kaninang umaga sa Expanded JG Summit Petrochemicals Manufacturing complex sa Batangas City.

Kasama si JG Summit Holdings, Inc. Chairman James Go at iba pang mataas na opisyal ng kumpanya, nilibot ni Pangulong Marcos ang 160 ektaryang pasilidad.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Sa kanyang talumpati, kinilala ni Pangulong Marcos ang JG Summit bilang pangunahing contributor sa ekonomiya ng bansa, na inaasahang mag-aambag ng 215 billion pesos na kita ng pamahalaan sa susunod na taon.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Binanggit din ng Pangulo na ang multi-billion peso complex ay magdudulot hindi lamang ng 6,200 na direkta at hindi direktang trabaho, kundi magpapalago rin ng ekonomiya, magpapataas ng kita, at makaka-akit ng mga investors na maglagak ng kanilang puhunan sa bansa.