NAGA CITY- Nakahanda na , dumaan na sa oryentasyon at training ang mga bakunador na tuturok ng COVID-19 vaccine sa mga batang edad 5-11 anyos sa Naga City.
Ito ang sinabi ni City Hospital resident Pediatrician si Dr. Leslie Villamora sa pamamagitan ng City Events Protocol and Public Information Office o CEPPIO. Batid din ng doktor ang takot ng mga magulang sa epekto ng bakuna para sa mga bata, subalit sinabi nitong ang mararamdaman ay tulad ng pagbabakuna laban sa ibang sakit na nangangalay ang kamay at minsan ay nagkakalagnat.
Samantala sinabi ni Magno Reyes, head ng Barangay HERTF na may ilan pang mga piling nurses at midwives na tinitrain ng mga personahe ng DOH online.
Ayon kay Reyes, kailangan na i-training ang mga vaccinators dahil nga sa magiging iba naman ang doses ng bakuna para sa mga ito kung ikukumpara sa age group na 12 to 17.
Samantala ang ilang opisyal ay abala sa information dissemination sa kahalagahan ng bakuna.
Sa Feb. 14 inaasahan ang nationwide rollout ng pediatric vaccination sa nasabing age group ayon kay National Vaccination Operations Center (NVOC) Medical Assistant Dr. Kezia Lorraine Rosario. Kahapon, sinimulan na sa Maynila ang ang pagbabakuna. Target ng pamahalaan na maturukan ang 15M na bata maliban pa sa naunang 12-17 anyos.