Exemption sa buwis ng mga sari-sari store at maliliit na negosyante, kinontra ng ilang Konsehal

SORSOGON CITY – Naging mainit ang usapin sa inihaing panukala sa Sangguniang Bayan ng Bulan hinggil sa iksemsyon sa pagbabayad ng buwis at business permit ng mga sari- sari store at maliliit na business owners.

Ayon kay Vice Mayor Chito Belmonte, kinontra ng ilang Konsehal ang naturang panukala dahil sa posibleng malaki ang maging epekto nito sa ekonomiya ng bayan na dati na umanong kulang ang nakokolektang buwis mula sa mga negosyante.

Read More:  Over 1,200 displaced as monsoon rains swamp Negros; Classes, sea travel suspended

Paliwanag ng ilang Konsehal, bago ito unahin ay dapat munang bigyan ng pansin ang hindi maayos na deklarasyon ng kanilang kinikita na matagal na umanong nangyayari.

Read More:  Fake Pag-IBIG agent arrested in Davao City over ₱1.12-million housing scam

Idagdag pa umano rito ang hindi pagbabayad ng buwis ng ilang business establishment,

Gayunman, sinabi ng Bise Alkalde na kailangan pa talaga itong pag- aralan lalo pa’t nakasasalalay sa Internal Revenue Allotment (IRA) ang kinabuksan ng isang LGU na nagbabase lamang sa mga nakokolektang buwis.