Milyun-milyong tahanan, tatamaan ng water interruptions simula sa Miyerkules

Umapela ang Maynilad sa kanilang mga konsyumer na huwag mag-imbak ng labis-labis na tubig.

Ito ay sa gitna ng nakaambang serye ng water interruptions sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Maynilad Water Supply Operations Head Ronald Padua na ang may epekto rin ang sobra-sobrang pagtatabi ng tubig.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Sa kabuoan, tinatayang aabot sa mahigit 3.5 million consumers ng Maynilad ang maaapektuhan ng water service interruptions na magmumula sa July 12, alas-siyete ng gabi hanggang alas-kuwatro ng madaling araw.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Kasunod ito ng mas mababang 48 cubic meter per second na alokasyong ibinibigay ng Angat Dam sa mga konsyumer sa Metro Manila at karatig-probinsiya.

Hindi rin daw nila tukoy kung hanggang kailan ito magtatagal.