Ex-Pres. Trump ban sa Facebook sa loob ng dalawang taon

Inanunsyo ng Facebook na ban nang dalawang taon sa kanilang platform kabilang sa Instagram si dating US President Donald Trump.

Sinabi ni Facebook Vice President of Global Affairs Nick Clegg, nagpapakita ng severe violation sa mga rules ng Facebook ang mga aksyon ni Trump sa social media.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Epektibo ang suspension ni Trump sa Facebook mula sa initial ban nito noong January 7.

Tinawag naman ni Trump na insulto ang aksyon ng Facebook at hindi dapat palampasin ang tangka ng social media giant na pag-censor at pagpapatahimik.

Read More:  Thailand shortens visa-free stay for foreign tourists

Matatandan na unang na-ban sa social media si Trump matapos sumiklab ang riot sa the Capitol bunsod ng paghimok nito sa kanyang mga supporter na lumusob nang manalo ang kalaban niya sa presidency na si Joe Biden