Ex-Maimbung vice Mudjasan – ‘armed and dangerous – PNP

Itinuturing daw ng Philippine National Police (PNP) na ‘fully-armed and very dangerous’ si dating Maimbung, Sulu vice mayor Pando Mudjasan.

Ayon kay PNP public information office chief BGen. Red Maranan – posibleng mayroon pang mga susunod na engkuwentro sa naturang bayan.

Dahil dito, hindi na raw muna nila inirerekomenda ang pagbalik sa tahanan ng mga residenteng nagsilikas doon matapos ang unang palitan ng putok sa pagitan nina Mudjasan at mga tropa ng AFP at PNP.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin ang hot-pursuit operations laban sa grupo ng dating bise-alkalde.

Sa hiwalay na panayam, sinabi ni AFP Chief-of-Staff Gen. Andres Centino na kumpiyansa silang ‘di pa nakalalabas ng Lalawigan si Mudjasan.

Pinaigting na rin daw ang mga checkpoints sa mga entry at exit points sa naturang lugar.