‘We do not intend this transaction’
Ito ang ginawang paninindigan ni dating Department of Education secretary Liling Briones hinggil sa kontrobersyal na pagbili ng PS-DBM ng mga ‘overpriced’ at ‘outdated’ na laptops para sa mga public school teachers.
Sa pag-larga ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ngayong umaga, sinabi ni Briones na lahat ng mga transaksyon at hakbangin nito ay dumaan sa tamang legal process.
Nanindigan din ang dating kalihim na hindi siya nagtatago.
Legal din aniya ang pagpapaubaya sa PS-DBM ng mga procurement programs lalo na’t hindi na kakayanin ng Bids and Awards Committee ng DepEd ang pagasikaso dito dahil naghahanda na sila noon sa face-to-face classes.
Inisa-isa naman ni Senador Alan Peter Cayetano, isa sa mga nag-file ng reso para sa Senate probe, ang mga laptops na nabili sana sa malaking halaga.
Matatanadaan kasing halos P35,000 lang ang hiling ng DepEd na budget sa kada unit ng laptop ngunit itinaas ito ng PS-DBM sa P58,000.
Ayon kay Cayetano, sa ganitong halaga ay nakabili na ng mga mas high-end pa na laptops kagaya na lang ng Macbook Air na kung tutuusin ay mas mura pa sa budget na itinakda ng PS-DBM.
Nagisa rin si dating DepEd Usec. Alain Pascua dahil sa una nitong pag-tanggi na lumagda ito sa order noong una ngunit umamin din nang ipresenta ni Blue Ribbon chair Francis Tolentino ang dokumentong nilagdaan niya.
Aminado rin ito sa error sa dokumento ng procurement nang masama ang FDA law kahit na hindi naman ito sakop ng drug agency.
Samantala, dumalo rin pero ‘virtually’ si Lloyd Christopher Lao na siyang OIC ng PS-DBM nang isagawa ang procurement ng mga laptops.
Si Lao ay una nang napag-alamang kabilang din sa eskandalo ng Pharmally.
Bago pa man mag-umpisa ang hearing, sumulat si Lao na alisin na ang look-out bulletin na inisyu sa kanya na pumpipigil na makalabas ito ng bansa. (SENATE PRIB PHOTO)
#