LEGAZPI CITY – Inanunsyo kamakailan ng Department of Social Welfare and Development in Bicol (DSWD) Bicol ang pansamantalang suspensiyon ng pagtanggap ng walk-in at email applications para sa educational assistance.
Ayon kay Marygizelle Mesa, Regional Information Officer ng nasabing tanggapan, magsasagawa ang DSWD ng clean listing sa mahigit 125K na nagrequest para sa Educational Assistance upang masiguro na walang duplikasyon ng mga requests.
Pinayuhan ng ahensya ang mga nagsumite na ng aplikasyon na maghintay sa anunsyong ipo-post sa DSWD Facebook page.
Kung babalikan sa isang advisory, sinabi ng DSWD na ang aplikasyon para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) ay sususpendihin muna upang bigyang-daan ang pagsusuri ng lahat ng mga aplikasyon.