Duterte, tinanggal na ang ban sa mga bagong casino – PAGCOR

Kinumpirma ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman Andrea Domingo na tinanggal na  ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tatlong taong ban sa pagpasok ng mga bagong casino sa bansa.

Ang tinutukoy ni Domingo ay ang anunsyo ng Pangulo noong Huwebes na pinapayagan na muli nito ang mga casino sa Boracay dahil nagkukulang na umano sa pondo ang gobyerno.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Matatandaan na ipinag-utos ng Pangulo noong February 2018 na ipagbawal na ang pagpasok at paggawa ng casino sa Pilipinas upang maiwasan ang oversupply, kasunod nito ang pagbatikos niya sa mga opisyal ng Nayong Pilipino Foundation sa pagpayag nito sa mga gambling franchise.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Matatandaan na noong Hulyo ang pagpabor ng Pangulo sa paglikom ng pondo ng gobyerno mula sa Philippine Offshore Gaming Corporations (POGO) at mga casino.