Ex-con., balik kulungan dahil sa illegal drugs

Balik-kulungan ang isang ex- con. nang mahuli sa drug buybust operation ng PDEA Palawan bandang alas-sais ng gabi ng Huwebes, May 9 sa South National Highway, Barangay Inagawan, Puerto Princesa City.

Ang suspek ay si Honesto Satairapan Reyes aka Oning, 64 anyos ng Purok Centro, Brgy. Inagawan, Puerto Princesa City.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nakuha sa kanya ang mga naka-bukas at sealed plastic sachet na may magkakaibang timbang o gramo ng suspected shabu kabilang ang subject ng buybust, boodle money at mga drug paraphernalia.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon sa PDEA, nakulong na si Reyes noon sa Iwahig Prison ng labing-apat na taon sa kasong Robbery o pagnanakaw.

Mahaharap sa paglabag sa Section 5, Sec 11 and Sec 12, Art. II ng Republic Act 9165 si Reyes.