Humarap na sa pagdinig ng Senate blue ribbon investigation kaugnay sa kontrobersiyal na pagbili ng “overpriced” medical supplies sa gitna ng pandemya si dating presidential economic adviser Michael Yang.
Mababatid na ipinag-utos ng Senado ang pagpapaaresto kay Yang matapos itong i-cite for contempt dahil sa pag-isnab sa nakaraang mga pagdinig ng panel, sa kabila ng subpoena.
Kaugnay nito, sinahaman ang dating economic adviser ng kanyang Filipino interpreter.
Si Yang ay nadadawit sa kontrobersiyal na procurement matapos siyang makita sa video na kuha noong 2017 na ipinapakilala ang mga opsiyal ng Pharmally kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Ang Pharmally Pharmaceutical Corp., ay kabilang sa mga suppliers na nakakuha sa P8.6 billion na kontrata ng gobyerno noong 2020, sa kabila na ilang buwan palang ito sa industriya at mayroon lang P625,000 na paid-up capital //MHEL PACIA-TRINIDAD