Eumir Marcial, sasabak sa pro fight sa Maynila bago ang Paris Olympic

Plano ng MP Productions na pinamumunuan ni eight-division world boxing champion Manny Pacquiao na sumabak muna si Asian Games Silver medalist Eumir Marcial sa isang pro fight sa Maynila bago magtungo ng Paris, France para sa 2024 Olympic Games.

Puspusan ang paghahanda ni Marcial sa Paris Games matapos makuha ang runner-up finish sa 19th Asian Games sa China.

Bukod dito, inimbitahan siya ni Pacquiao sa kanyang tahanan sa Forbes Park, Makati at binigyan pa ng boxing tips.

Pinaplantsa na rin ng kampo ni Manny ang susunod na laban ng Asian Games Silver Medalist na posibleng idaos sa Pebrero.

Kahit ano mang plano ng MP Productions ay excited na si Marcial sa susunod niyang tatahakin sa boxing career.