EU watchdog, inaprubahan ang Moderna jab para sa mga bata na edad 12 anyos pataas

Inaprubahan ng European medicines watchdog ang paggamit ng Moderna COVID-19 vaccine para sa mga bata na edad 12-17.

Sinabi ng European Medicines Agency na sa paggamit ng Spikevax vaccine sa mga bata na edad 12-17 anyos, ay nakitaan ito ng antibody response na tulad ng makikita sa mga young adults na  edad 18-25.

Read More:  Sri Lanka rescues 40 Iranian sailors after medical emergencies at sea

Ang Spikevax ay ang brand name ng bakuna ng Moderna.

Ayon sa EMA, naisagawa ang pag-aaral sa epekto ng Spikevax sa kabataan sa pamamagitan ng 3,732 na volunteers na ang edad ay 12-17.

Read More:  North Korea fires around 10 ballistic missiles toward eastern waters

Samantala, inihayag naman ng EU na nagawa na fully vaccinated na ang 200-million na Europeans, na higit na sa kalahati ng buong adult population nito.

Gayunman, hindi pa rin ito aabot sa 70% target na itinakda nito para sa summer.