Estudyante, patay matapos maaksidente sa kanyang motorsiklo; backrider, sugatan sa Libon, Albay

LEGAZPI CITY – Patay ang isang estudyante habang sugatan naman ang backrider nito matapos maaksidente sa motorsiklo sa Zone 1, Brgy. Marayag sa bayan ng Libon, Albay.

Kinilala ang nasawi na si Santiago Sazon Herrera, 21-anyos, habang sugatan naman ang backrider nito na si Francis Jay Balandra Rivera, 20-anyos at residente ng parehong lugar.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Ayon sa report ng mga awtoridad, isang concerned citizen ang tumawag sa Libon Municipal Police Station (MPS) upang iulat ang nangyaring aksidente sa lugar.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na mabilis na tumatakbo ang motorsiklo mula sa sentro ng Libon patungong Polangui, Albay.

Pagdating sa lugar, partikular sa curved intersection, aksidenteng dumulas ang sinasakyang motorsiklo at bumangga sa waiting shed.

Read More:  12 injured in BJMP prisoner transport crash in Cotabato

Dahil dito, nahulog sa sementadong kalsada ang driver at ang backrider nito.

Agad silang dinala sa RHU Libon upang magamot, ngunit idineklarang dead on arrival ang drive, habang ang backrider ay inilipat sa Josefina Belmonte Duran Albay Provincial Hospital sa Ligao City para sa karagdagang medikal na atensiyon.