Pumasok sa ika-walong puwesto ang isang estudyante mula Zambales sa katatapos lamang na Veterinarian Licensure Examination para sa ngayong taon.
Ang bagong veterinary doctor ay si Dr. Irah Pearl Ruiz Acierto na estudyante mula pasa Masinloc, Zambales.
Sa 720 na kumuha ng kanilang exam mula Maynila, Baguio, Cebu, Legazpi, Koronadal at Tuguegarao ay pangwalo sa may pinakamataas na porsyento si acierto na mayroong 82.42.
Si Irah Pearl ay estudyante ng Central Luzon State University sa Muñoz, Nueva Ecija na isa din sa benepisyaryo o scholar ng ikalawang distrito ng lalawigan.//Russell Banawa-BNFM IBA
Photo Courtesy: Cong. Cheryl Montalla
