Estrada, itinutulak ang pagpasa sa dalawang batas para sa mga nasa entertainment industry

Patuloy na isinusulong ni Senador Jinggoy Estrada ang pagpasa sa Eddie Garcia Act at Media Workers’ Welfare Act para sa proteksyon ng lahat ng mga nagtatrabaho sa ilalim ng entertainment industry.

Ito ay matapos niyang malaman na mayroon pa ring iilang shooting schedule na umaabot ng mahigit dalawampung oras.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Dagdag pa niya, makatutulong din ang pagsasabatas nito upang makabuo ng guidelines na titiyak sa maayos na kalusugan at proteksyon mula sa abuso, harassment, exploitation at hindi ligtas na working setup.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Sa ngayon, hinihingan na ng senador ng position paper ang lahat ng mga dumalong tv network representative.