SORSOGON CITY – Isang eskwelahan sa bayan ng Barcelona, Sorsogon ang kinilala sa buong Rehiyong Bicol bilang may pinakamagaling na best practices.
Inilunsad ng San Antonio Elementary School ang kanilang programang “May Hanapbuhay na, Iwas Covid pa”, dahil umano sa nakikita nilang hirap ng mga magulang.
Paglalahad ni head teacher Vilma Chavarria, nilapitan umano siya ng isang Nanay at nagtapat ng alalahanin nito hinggil sa kanilang hirap na hatiin ang kanilang oras sa pagtutok sa pag-aaral ng kanilang mga anak gayundin sa paghahanap ng mapagkakitaan.
Dito umano niya naisip na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para mabigyan ng livelihood ang mga magulang.

Bukod sa paggawa ng sabon, isinabay na rin sa training ang pagsasanay sa haircut pati rebonding.
Nagpaunlak naman ang LGU sa pagbibigay ng libreng gamit, pagsasanay, at pati ingredients na gagamitin.
Ang pagkilala ay base sa programang “Brigada Eskwela at Brigada Pagbasa” ng Department of Education, kung saan nagbibigay ng livelihood program sa mga Nanay ng mga estudyante.