Error sa mga isinumiteng dokumento dahilan para hindi mabigyan ng go signal na mag re-open ang ilang paaralan sa Albay- CHED Bicol

LEGAZPI CITY- Inihayag ng Commission on Higher Education (CHED) Bicol, error sa mga isinumiteng dokumento ang isa sa dahilan para hindi mabigyan ng go signal na mag reopen ang ilang paaralan sa Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM legazpi kay Education Supervisor II Dr. Ma. Pamela Viñas, may mga paaralan aniya na nagpasa ng dokumento base sa CHED-DOH Joint Memorandum Circular (JMC) NO. 2021-001 o ang mga alituntunin sa unti-unting muling pagbubukas ng mga kampus ng Higher Education Institutions (HEIs) para sa limitadong face-to-face classes sa mga piling programang may kaugnayan sa kalusugan sa panahon ng pandemya.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Aniya nagkaroon na ng pagbabago at ang mga dokumento na dapat ipasa ay base sa CHED-DOH JMC No. 2021-004 o ang mga alituntunin sa pagpapatupad ng limitadong face-to-face classes para sa lahat ng mga programa sa Higher Education Institutions (HEIs) sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level system para sa pagtugon sa Covid-19.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Dagdag pa niya mas kumpleto ang checklist ngayon ng JMC No. 2021-004. Kailangan din aniya ng notarized affidavit of undertaking na pirmado ng presidente ng paaralan para sa impormasyon. Matapos nito ay tsaka lamang sila magkakaroon ng random visit mula sa representative ng CHED, LGU’s at DOH.

Hanggad nila na makapagpasa na ng tamang requirements ang mga paaralan na nabigyan ng notice na magresubmit ng panibagong dokumento upang makapagbukas na rin ang mga ito.