Kinuwestiyon ng Energy Regulatory Commission o ERC ang gastusing ipinasa sa mga consumer ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Ito ay kahit wala naman umanong kinalaman sa transmission ng kuryante.
Ayon kay Atty. Monalisa Dimalanta kabilang dito ang mga bilyong ginastos sa public relations, entertainment, donasyon sa mga charitable institutions pati sa COVID-19 at sa bonus ng kanilang mga empleyado.
Sinabi pa nito na may P57 milyon ginastos ang NGCP noong 2016 hanggang 2020 na walang detalye kung saan ginastos.
Dagdag naman ni Dimalanta na hindi rin pinapayagan ang mahagit P1 bilyong bonus, sweldo, at non-mandatory benefits ng mga empleyado.
Mababatid na pinuna na rin ng ERC ang NGP dahil sa sunod-sunod na brownout sa Luzon at Visayas sa pagsisimura sa 2023 dahil sa mga hindi natapos na pyoekto ng NGCP.
