DepEd employees sa Camarines Norte nakilahok sa Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

CAMARINES NORTE – Nakilahok ang mga kawani ng Department of Education sa lalawigan ng Camarines Norte sa ginawang Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa fourth quarter nitong taon.

Ginawa ito kahapon ng umaga hindi lang sa Division Office kundi maging sa iba’t- ibang eskwelahan.

Sa mga larawang ibinahagi sa Brigada News FM Daet ni Division DRRM Coordinator Geronimo Burce, makikitang sabay- sabay na nag duck, cover and hold ang mga personnel ng Division Office suot ang kani- kanilang helmet.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Mayroon ding mga nasa ilalim ng lamesa na namgmistulang tila mayroon talagang lindol.

Ang NSED ay paghahanda  sakali mang lumindol habang ang mga empleyado ay nasa kani-kanilang opisina at ang mga estudyante ay nasa eskwelahan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang lindol ay isang bantang panganib at hindi malalaman kung kailan darating kaya nararapat lamang na maghanda at magsanay kung ano ang mga nararapat na gawin sa pagtama nito.

Matatandaang na- conceptualize ang naturang nationwide activity sa panahon ni dating Pangulong Gloria Arroyo. Ang nanagyaring mapaminsalang lindol sa Indonesia noong May 2006 ang nagtulak sa Arroyo administration para gawin ang mga ganitong drill.