Tinapyas na CIF para sa 2024 budget hindi na kailangan OVP at DepEd

Hindi na pinaglaban pa ni Vice President at Educational Secretary Sara Duterte ang Confidential at Intelligence Funds na nakalaan sana sa tanggapan ng Department of Education at Office Vice President.

Ayon kay Senate Committee on Finance sen. Sonny Angara, ayaw ng tanggapin ni VP Duterte ang nasabing pondo.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Nauna ng tinapyas ng Kamara ang P500 milyon confidential funds ng OVP para ilipat sa mga ahensya at institution na mas nangangailangan ng pondo partikular na ang mga nasa defense.

Sa plenaryo tinanong din ni Sen. Risa Hontiveros ang P125 milyon confidential funds na inilipat mula sa contingency fund ng Office of the President papunta sa OVP noong 2022.

Read More:  Barzaga says he has no regrets after House expulsion

Paliwanag naman ni Angara na ginastos umano ang pondo para sa maayos na implementasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Sa huli lusot na sa debate sa plenaryo ang budget ng Office of the Vice President na P1.8 bilyon.