ERC, napagalitan sa naganap na pagdinig hinggil sa deklarasyon ng red at yellow alerts

Aminado ang Energy Regulatory Commission (ERC) na nagkulang sila sa pagsasagawa ng monitoring sa mga planta.

Ito ay matapos lumabas sa pagkukwestyon ni Senate Committee on Energy, chairperson, Senador Raffy Tulfo kay ERC Director Sharon Montaner na tuwing midyear lang ng limang taong contract ng mga planta nila isinasagawa ang monitoring.

Read More:  Palace respects arrest warrant vs. VP Sara, camp set to post bail

Alinsunod nito, pinagalitan ni Tulfo ang ERC dahil sa hindi umano paggawa ng mga ito ng kanilang trabaho na nagiging dahilan ng mga kabila’t kanan na force outage.

Anya, tulad ng mga sasakyan at eroplano ay importanteng matiyak ng ERC na well-maintained ang mga planta upang makapag-operate ng maayos lalo na kapag tag-init.

Read More:  Various groups to hold ‘Baha sa Luneta 3.0’ protest on September 21

Kaugnay nito, binigyang-diin niya na maliban sa pagparusa sa mga planta na sangkot sa mga force outage ay dapat ding maparusahan ang mga ito.