Natanggap na ni Mayor Vilma Caluag ng City of San Fernando, ang tugon ng Energy Regulatory Commission o ERC sa liham nito hinggil sa taas singil ng San Fernando Light and Power Company o SFELAPCO.
Sa naging tugon ng Energy Regulatory Commission o ERC sa sulat ni City Mayor Vilma Caluag hinggil sa usaping ito, nakitaan ng mga iregularidad ang SFELAPCO.
Dahil isa lang ang application ng SFELAPCO na nanghihingi ng approval para sa Power Supply Agreement o PSA sa kumpanyang AP Renewables Inc. o APRI noong 2013, pero walang final approval ang ERC hinggil dito.
At kahit walang final approval, inimplementa na umano ito ng SFELAPCO mula noong 2014, na isang paglabag sa batas, at sa huling monitoring ng Uniform Reportorial Requirement o URR noong Nobyembre, sa APRI pa rin kumukuha ng power supply ang SFELAPCO.
Dahil dito binigyan ang SFELAPCO ng 15 araw para magbigay ng beripikadong eksplinasyon at dahilan kung bakit hindi sila dapat maharap sa administrative penalty dahil sa patong patong na nakitang paglabag.
Maliban pa rito ipinag-uutos ng ERC ang agarang pag re-refund sa mga konsyumer nakolektang generation rate bill na sobra sa sinasabing time of use rate simula noong January 2014 hanggang sa huling bill ng mga consumer.
