Epekto ng Southwest Moonsoon pinaghahandaan ng DSWD Region 3

Pinaghahandaan ng Department of Social Welfare and Development Region 3 ang posibleng epekto ng Southwest Monsoon.

Ito ay sa pamamagitan ng pagrerepack ng mga Family Food Packs at iba pang relief goods.

Ayon sa kagawaran, mayroon na itong halos dalawampung libong food packs at mahigit apat na libong non-food items.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Inihahanda din ng Regional Resource and Logistics Management Section (RRLMS) ang Regional Warehouse para sa paglalagay ng additional “Rack” sa warehouse para sa space maximization nito.

Matatandaan na iniutos ni DSWD Sec. Erwin Tulfo sa mga DSWD offices na ibalik muli ang prepositioning ng mga relief goods o maagang paglalagay ng mga ito sa mga lugar sa bansa lalo na sa mga madalas daanan ng bagyo o kalamidad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Photo: DSWD FO3