Isinulong sa mababang kapulungan ng kongreso na maimbestihagan ang pag-aangkat ng bansa ng galunggong.
Sa house resolution no. 2467 na inihain ng Makabayan Bloc sa kongreso sinabi nitong layon ng imbestigasyon na malaman ang epekto nito sa kabuhayan at economic status ng maliliit na mangingisda.
Magugunitang unang pinayagan ng Department of Agriculture na mag-aangkat ng 60,000 metric tons ng galunggong para masuplayan ang demand ng bansa ngayong 1st quarter ng 2022.
Agad naman itong inalmahan ng grupong PAMALAKAYA dahil mas lalo nitong pahihirapan ang mga mangingisda.
Dahil dito hinimok ng Makabayan bloc na siyasatin ng House Committee on Agriculture and Food ang naturang usapin upang makapagbalangkas ng batas na tutugon sa isyu.
