Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggapin bilang valid ID ang Philippine o National ID system.
Sa Executive Order No. 162 na nilagdaan ng Pangulo sinabi nitong sapat na dapat ang PhilID bilang patunay ng pagkakakilanlan at edad sa lahat ng uri ng transaksyon.
Inihayag dito ang pangangailangan na i-institutionalize ang pagtanggap ng PhilID at PSN (PhilSys Number), bilang authenticated,sapat na patunay ng pagkakakilanlan at edad sa lahat ng gobyerno at pribadong transaksyon, upang mapabuti ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong panlipunan, palakasin ang financial inclusion at isulong ease of doing business.

Sinabi ng Pangulo na ang PhilSys ang magiging central identification platform ng gobyerno para sa lahat ng mamamayan at resident alien ng bansa alisunod sa Republic Act No. 11055 o Philippine Identification System Act.
Dagdag pa, ang PhilSys (Philippine Identification System) ay magsisilbing opisyal na dokumento ng pagkakakilanlan na inisyu ng gobyerno at opisyal na patunay ng pagkakakilanlan ng mga cardholder sa pakikitungo sa lahat ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan.
Ang PSN o PSN derivative ng isang indibidwal ay dapat ding tanggapin sa mga transaksyon sa mga government entities at pribadong sektor, sa kabila ng hindi pagpapakita ng PhilID