Entries ng region 12 sa coffee competition, pasok sa Top 10

KORONADAL CITY- PASOK sa Top 10 ng pinakamasarap na robusta coffee sa buong bansa ang dalawang entries ng Soccssakrgen region sa isinagawang Philippine Coffee Quality Competition o PCQC 2023.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Sa awarding ceremony kamakailan lamang, nakuha ng Rehiyon 12 ang ikawalo at ikasampung pwesto sa pamamagitan nina Rey John Basco at Robert James Gacayan na pawang mga residente ng Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Nasa 92 mga entries ang lumahok sa naturang kompetisyon kung saan 14 entries ay mula sa Soccsksargen.