Enrollment ng mga mag-aaral mula pre-school, elementary at junior high school, nagsimula na ngayong araw sa Bicol

LEGAZPI CITY – Nagsimula na ngayong araw ang pag-enroll ng mga mag-aaral mula sapre-school, elementary at junior high school sa iba’t ibang mga paaralan sa Bicol Region.

Ayon kay Department of Education (DEPED) Bicol Regional Spokesperson Mayflor Jumamil, nilagdaan na rin ni Vice President Sara Duterte ang implementing rules and guidelines ng S.Y. 2023-2024.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Wala naman umano binago sa pagpapa-enroll ng mga mag-aaral tulad ng ginawa nitong early registration, kung saan kinakailangan ang birth certificate or baptismal certificate o barangay certificate at enrollment form.

Kung matatandaan, noong nakaraang taon, pumalo sa mahigit 3.7M na mga mag aaral ang nakapagparehistro sa enrollment.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sinabi pa ng opisyal, hinihikayat ngayon ang mga mag-aaral na magtungo na sa kanilang paaralan upang magparehistro at bibigyan ng panahon o pagkakataon ang mga transferee o naglipat ng kanilang paaralan ang mga mag aaral na makapag enroll.