2 binatilyo na sumagip sa mga batang nalulunod, pinarangalan ng LGU Brookes Point

Kinilala ng Lokal na Pamahalaan ng Brookes Point ang kabayanihan ng dalawang binatilyo na sumagip sa dalawang bata habang nalulunod sa dagat ng Sitio Balacan ng Brookes Point Palawan kamakailan.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ito ay sina Allan Parangan, 16 anyos at si Norbin Briones, 14 anyos na mga taga- Sitio Sitio Balacan, Barangay Pangobilian.

Kaninang umaga, sa flag raising ceremony ay iniabot sa kanila ni Mayor Cesario Benedito Jr. ang sertipiko ng pagkilala sa harap ng mga empleyado ng munisipyo.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Samantala, bilang pagkilala pa ng Lokal na Pamahaal ay binigyan din ang magkaibigan ng scholarship sa High School at Grocery Items.