Enrique Gil, itinangging hiwalay na sila Liza Soberano

Matapos ang ilang taong espekulasyon, binuksan na ni Enrique Gil ang tungkol sa relasyon nila ng longtime girlfriend na si Liza Soberano.

Kinumpirma niyang going strong pa rin sila kahit busy sa kani-kanilang career.

Read More:  David Chua reveals the story behind his ‘AI girlfriend’

Ginawa ni Gil ang paglilinaw tungkol sa status ng pitong taong pag-iibigan nila ni Soberano pagkatapos niyang pumirma ng dalawang taong exclusive contract sa isang network.

Read More:  Bela Padilla, Martin Tan spotted together weeks after breakup

Sinabi ng “Dolce Amore” star na lubos niyang sinusuportahan ang career move ng kanyang girlfriend “no matter what,” dahil mahal niya ito “to death.”//CA