Engkwentro sa pagitan ng guwardiya at mga kawatan 1 patay

KORONADAL CITY – PATAY on the spot ang isang suspek matapos mabaril ng security guard dahil sa pagnanakaw umano ng avocado sa may ng Dole Diversified Avocado Plantation, Sitio Latil, Barangay Kablon, Tupi, South Cotabato.

Kinilalala ang nasawing suspek kay Arjun Masalon, habang nakatakas naman ang ibang kasamahan nito sa hindi matukoy na deriksyon matapos mangyari ang engkwentro.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Sa imbestigasyon ng Tupi Municipal Police Station na habang nagpapatrolya umano ang gwardiya, nakita nito ang grupo ng mga suspek na nangunguha ng abukado sa naturang lugar, at ng maramdaman ang presensya nito ay bigla na lamang itong binaril ng mga suspek dahilan upang gumanti ng putok ang gwardiya at tinamaan sa likod si masalon kung kayat bawian ito ng buhay.

Read More:  Viral Bulacan cop removed after brutal assault on wife

Narekober sa pag-iingat umano ng suspek ang isang unit ng PRB 423 hand grenade kasama na ang tinatayang 15 ka kilos ng abukado na nakalagay sa sako. Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Tupi Municipal Police Station sa naturang insidente.