Engineering intervention kailangan VS baha- MDRRM Goa

CAMARINES SUR — May kaliitan ang mga outlet ng drainage canal na pwedeng daanan ng tubig, ito ang nakikitang rason kung bakit binabaha pa rin ang kasentruhan ng bayan ng Goa, sa Partido Area kapag bumubuhos ang ulan, bagay na nangangailangan ng engineering intervention, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Pero ayon kay MDRRMO Head, Glen Remedio, bagaman nabawasan na ang ilang parteng binabaha, at hindi na rin inaabot ng ilang araw bago mawala ang tubig-baha, kailangan umanong lakihan ang outlet mula sa ibabaw ng drainage  upang tuluyan nang matigil ang pagbabaha sa kasentruhan.

Read More:  65 fire-hit families in Boracay receive aid from Bong Go’s team

Nito lamang nakaraang araw dahil sa malakas na buhos ng ulan, nakapagtala ng minimal flash flood sa nasabing bayan, bunsod na rin ng maliit na daluyan ng tubig sa mga drainage canal.