Paggamit ng TikTok sa bansa, nais paimbestigahan ng isang senador

Ipinunto ni Senador JV Ejercito na walang kaduda-dudang ‘popular’ ang paggamit ng social media platform na TikTok sa Pilipinas.

Base kase sa pag-aaral nitong Marso, 49.09 milyong Pilipino ang naitalang aktibong TikTok user ibig sabihin, 41% ng populasyon ng bansa ang bumibisita rito kahit isang beses sa isang buwan.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Maliban pa roon, paniniwala ng senador, maaring kontrolin ng nasabing platform ang devices ng mga gumagamit nito na siyang tunay umanong nakakatakot.

Alinsunod nito, posible umanong magdala ito ng national security concern sa bansa, kung kaya nitong i-extract ang mga impormasyong nasa loob ng mga mobile phones at devices.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Kaugnay nito, napapanahon lang umanong imbestigahan ito upang matiyak na walang anumang threat sa proteksyon ng mga Filipino users.