DICT Region IV-A, inilungsod na rin ang SVSI Initiative

Kasunod nang matagumpay na paglulunsad ng Smart Villages Smart Islands (SVSI) Initiative sa Tingloy Batangas kamakailan, ay matagumpay rin itong inilunsad sa bayan ng Isla Verde, Batangas City.

Ang naturang proyekto ay naglalayong makapaghatid ng abot kayang internet connection sa lugar, digital skills training, at e-services na makakatulong sa pagapaunlad ng pamumuhay ng mga residente.

Bukod dito, ipinakilala rin sa nasabing bayan ang School-in-a-bag portable digital classroom at ang pag iimplementa ng mga solar panels.

Ang proyektong SVSI Initiative, ay patunay sa komitment ng naturang ahensya na maging digital transformative ang mga komunidad.

Samanatal, labis naman ang pasasalamat ng mga residente dahil napakalaking tulong aniya umano ito para sa mga mag-aaral sa naturang bayan.