Empleyado ng ONP na nagparenta ng folding bed, sinibak na

Tinanggal na sa trabaho ang empleyado ng Ospital ng Palawan na nagparenta ng folding bed sa loob ng pagamutan,  ayon kay Dr. Audie Cipriano, Chief of Medical Professional Staff.

Ang sinibak ay si Emilio Eyana Jr. na naging job order employee sa ospital na umamin na nagparenta ng higaan ng pasyente simula taong 2017.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay Dr. Cipriano, tinanggal ang empleyado matapos ang imbestigasyon ng binuong fact- finding team.

Idinagdag pa nito na hindi nagpaparenta ng higaan at mga gamit ang ONP at hindi rin alam ng pamunuan ang ginawang negosyo ng dating empleyado.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Ang kontrobersyal na usapin ay ibinunyag sa Brigada dahil naningil ang empleyado ng 300 pesos sa bawat higaan na pinaparenta nito.

Sa kabila nito ay hinikayat ni Dr. Cipriano ang mamamayan na magsumbong kung may nakikitang katiwalian sa loob ng pagamutan.