Aprubado na ni US President Joe Biden ang emergency declaration sa Florida dahil sa Hurricane Milton.
Ito’y upang matulungan ang mga maaepektuhan ng bagyo. Saklaw ng naturang emergency declaration ang 75% federal funding para sa iba’t ibang counties ng Florida.

Ipinag-utos na rin ang mandatory evacuation sa mga residente sa Gulf coast kasunod ng paglakas pa ang naturang bagyo. Sa ngayon nakataas na sa category 5 ang Hurricane Milton na may lakas na hanging aabot sa 249kmh. Ngayong araw naman nakatakdang tumama ang naturang bagyo sa Florida.