Bata pa lang si Tang Shangjun pangarap na niyang mag-aral sa Tsinghua University kaya naman nang makapagtapos ng highschool noong 2009 ay sinubukan na niyang kumuha ng exam para makapasa sa kanyang dream school.

Ngunit tila mailap pa rin sa kanya ang tadhana dahil kahit 16 na beses na siyang sumubok mag-exam ay hindi pa rin siya nakapasa sa naturang unibersidad.
Kilala ang Tsinghua University sa pagkakaroon ng sobrang taas ng required score sa admission exam, kaya ang mga gustong mag-aral dito ay parang dumaraan sa butas ng karayom.
Ayon kay Tang, kahit makapasok siya sa Tsinghua University at makapag-enroll sa kursong gusto niya, mababa na rin ang chance niyang makakita ng magandang trabaho pagka-graduate dahil sa kanyang edad.
Sa ngayon gusto munang mag pokus ni Tang sa paghahanap ng trabaho at hindi pa niya sigurado kung may plano pa siyang kumuha ulit ng national college admission exam sa susunod na taon.