Nakatakdang dumating ngayong araw sa Hanoi ang pinakamalaking Filipino contingent para sa 31st Southeast Asian Games.
Kaugnay nito, on hand ang pagfacilitate ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pagdating ng mga Filipino athletes, dalawang araw bago ang pagbubukas ng seremonya ng 11-nation sports fest.

Kabilang sa mga Filipino athletes na kasama sa delegasyon ay ang world champion gymnast Carlos Yulo at ang Philippine women’s volleyball team.
Ang women’s volleyball at men’s volleyball ay may kabuoang headcount na 38 players at officials, habang ang gymnastics ay may 22 athletes at coaches na binubuo ng 193 members ng delegasyon.
Samantala, ang main bulk ng track at field athletes at officials na binubuo ng 50 ay bukas pa darating, kabilang ang pole vault Asian record holder na si Ernest John Obiena