Nanatiling positibo ang world’s third best pole vaulter na si EJ Obiena na muling makakasama ito sa Philippine national team, sa harap na bago na ang liderato sa PATAFA.
Pagbubunyang ni Obiena, out parin siya sa Philippine team sa kabila na nananalo ng kauna-unahang Athletics World medal ng Pilipinas.
Mababatid na nakakuha si EJ ng bronze sa men’s pole vault sa Oregon, US matapos malampasan ang 5.94m bar, dahilan para maitala ang bagong Asian record.
Matatandaan na noong nakaraang buwan nang bakantehan ni Philip Ella Juico ang kanyang pwesto bilang presidente ng PATAFA, para tutukan ang kanyang personal at business interests, ventures at community advocacies.
Si Juico ay naging kontrobersiyal matapos ang hindi magandang pakikitungo kay Obiena na nag-ugat mula sa funding issue, na may kaugnayan sa coach ni pole vaulter na si Vitaly Petrov.
