EJ Obiena, third place sa Athletissima

Nagtapos ang Filipino pole vaulter EJ Obiena sa third place sa 2022 Wanda Diamond League athletics meeting Athletissima sa Lausanne, Switzerland.

Kaugnay nito, na-clear ng World no. 3 na si Obiena ang 5.80 meters, para makuha ang bronze.

Ang world no. 1 na si Mondo Duplantis of Sweden, na nakalagpas sa 6.10 meter ang nakakuha sa meeting record.

Pumangalawa naman si United States’ Chris Nilsen na may kaparheong 5.80 output kay Obiena, pero mas nakalamang dahil sa countback.

Una nito, sinubukan ni Obiena ang 5.90 meters, pero nakapagtala ng tatlong faults dahilan para hindi makapasok sa top spot.