Patuloy ang pamamayagpag ni EJ Obiena sa second part ng kanyang season, matapos masungkit ang isa pang gold medal sa Germany, matapos manguna sa St. Wendel City Jump.
Na-clear ng Filipino pole vault ace ang 5.86 meters para manguna sa field, habang muling nagtala ng record sa tournament mula sa dati niyang 5.71 meters.
Si Obiena, na kababalik lang sa national team, ay sinubukan ang 6.0m, pero bigo ng tatlong beses, kaya nauwi sa 5.86m.
Matatandaan na noong nakaraang linggo nang magbulsa rin ang 26-year-old athlete ng gold medal sa Germany, sa kanyang 5.81 meters jump.
Samantala, babalik sa aksyon ang world no. 3 na si Obiena sa September 2 para naman sa Memorial van Damme.
