Malaysia’s former first lady Rosmah, hinatulan ng 10 years na pagkakakulong re: graft

Hinatulan ng korte sa Malaysian si Rosmah Mansor, na asawa ni dating Prime Minister Najib Razak ng 10-taong pagkakakulong dahil sa paghingi at pagtanggap ng suhol, kapalit ang kontrata sa gobyerno, ilang araw lang, matapos makulong ang kanyang asawa dahil sa korapsyon.

Ang mag-asawa ay tinututukan dahil sa multiple graft investigations, simula nang matalo si Najib noong 2018, nang magalit ang mga botante dahil sa hiwalay na multi-billion dollar corruption scandal, na nagtapos sa kanyang siyam na taon sa kapangyarihan.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Si Rosmah ay kilala sa Malaysia dahil sa kanyang magarang pamumuhay.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Samantala, maliban sa pagkakakulong, pinagbabayad din si Rosmah ng multa na 970 million ringgit ($216.45 million) na record amount sa kaysaysan san Malaysia, para sa kanyang tatlong bribery charges.

Maliban dito, nahaharap pa ito sa 17 kaso ng money laundering at tax evasion sa hiwalay na kaso.