Ikinokonsidera si Barangay Ginebra resident import Justin Brownlee at TNT upcoming reinforcement Cameron Oliver na backstop sa Gilas Pilipinas program bilang mga naturalized players.
Ayon kay national coach Chot Reyes, si Brownlee, na five-time champion sa Gin Kings, ay n akakuha na ng lahat ng kanyang mga documentary papers na makakatulong sa kanyang target na maging Filipino sa pamamagitan ng batas.
Si Oliver naman umano na 6-foot-8 forward, na naglaro para sa Houston Rockets ay Atlanta Hawks sa NBA, ay nasa proseso na sa pagkompleto ng kanyang mga requirements, para sumailalim sa naturalization process.
Si Brownlee at Oliver, ay parehong pupuno sa butas na iniwan ni Jordan Clarkson, ang Utah Jazz star na sinasabi ni Samahang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio, na nag-iisang pasok sa Gilas bilang naturalized player.
Una nito, kinuha ng Gilas si Marcus Douthit, Andray Blatche, at Ateneo ace Ange Kouame bilang kanilang mga naturalized players.
