Efren Reyes at Carlo Biado, hindi na maglalaro sa 2022 World Cup of Pool

Inanunsyo ng organizers ng 2022 World Cup of Pool na hindi na maglalaro si Efren ‘Bata’ Reyes at ang ka-partner niyang si Carlo Biado.

Ayon sa Matchroom Pool, napilitang magbitiw ang naturang mga manlalaro dahil sa ilang travel issues.

Papalitan sila ni Thepchaiya Un-Nooh at Noppon Saengkham mula sa Thailand sa naturang event na gaganapin sa Brentwood Centre in Essex sa England.

Samantala, 60,000 million dollars ang maaaring mapanalunan ng nasa 32 na mga bansang makikilahok doon. (ARGIE ERGINA)