Canadian Prime Minister Trudeau, muling nagpositibo sa Covid-19

Muling nagpositibo sa Covid-19 si Canadian Prime Minister Justin Trudeau sa loob ng limang buwan.

Sa kanyang Tweet, sinabi ni Trudeau na maayos naman umano ang kanyang kalagayan at naka-isolate siya bilang pagsunod sa public health guidelines ng kanilang bansa.

Iginiit niya na nakapagpabakuna siya ng tatlong doses laban sa naturang nakakahawang sakit.

Samantala, hinimok niya ang mga residente doon na magpabakuna na at i-avail ang booster shot bilang dagdag proteksyon sa katawan. (ARGIE ERGINA)