Edukonsyumer sa mga senior citizen at PWD, isinagawa sa iba’t-ibang bayan ng Camarines Sur

CAMARINES SUR- Naging matagumpay ang isinagawang “Edukonsyumer” ng Department of Trade and Industry (DTI) Camarines Sur sa iba’t-ibang bayan ng probinsya simula Pebrero 6 at magpapatuloy pa ito hanggang sa Pebrero 22 ngayong taon.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Jay Ablan, Provincial Director ng DTI Camarines Sur, kinokonsidera bilang isa sa mga vulnerable sector ang mga senior citizen at Person’s With Disability (PWD) kung kaya’t sila ang napiling maging benepisaryo ng programa dahil sila ang palaging pinupunterya ng mga mapagsamantalang manininda.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Aniya, malaking tulong na malaman ng mga ito ang kanilang karapatan at responsibilidad bilang konsumer upang agad silang makapagreklamo sakaling hindi sila bigyan ng karampatang diskwento na dapat nilang makuha.