Edukasyon ng kandidatong tatakbo sa susunod na 2022 national election hindi batayan upang makapaglingkod ng matuwid sa bayan – 1Sambayan Sorsogon

SORSOGON CITY- Naniniwala ang 1Sambayan Sorsogon na hindi batayan ang mataas na pinag-aralan upang matukoy ang kakahayan ng isang kandidatong tatakbo sa susunod na eleksyon na makapaglingkod ng matuwid sa bayan.

Sa pahayag ni 1Samabyan Sorsogon Chairperson MSGR Francisco Monje sa isinagawang launching ng 1Sambayan Sorsogon Chapter sa lalawigan noong Lunes, Agosto 30, sinabi nito na hindi lawak ng kaalaman o talino ang basehan upang masabing karapat dapat sa pwesto ang isang pangulo, vise o senador.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Paliwanag ni Monje, dapat na pumili ang taong bayan ng mabuting lider na marunong makinig, matapat at mabuti ang hangarin sa bansa at hindi lamang sa sarili.

Dagdag pa nito na track record ng isang indibidwal ang isa sa mga pagbabatayan ng kanilang hanay upang masabing karapat- dapat na e-endorso ang isang kandidato.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang 1Samabayan Sorsogon ay isang multi sectoral organization na layuning makapagtala ng mga lideratong tapat na mamumuno, magpapahinto ng katiwalian at tutugun ng pangangailangan ng ibat- ibang sector ng lipunan para sa nalalapit na 2022 National election.