Pagtagumpayan ang digital inequality!
Ito ang layunin ng First Gen-owned Energy Development Corporation (EDC), ang nangungunang renewable energy producer ng bansa, ay nagpapatuloy sa pakikipagtulungan sa Australian- based non-profit na organisasyon na LiteHaus International upang magbigay ng kabuuang 330 laptop sa 22 elementarya sa Sorsogon City at Albay upang higit pang tumulong sa mga mag-aaral sa teknolohikal na panahon ngayon ng online na pag-aaral.
Isang Memorandum of Understanding (MOU) signing sa pagitan ng EDC at Litehaus International ang naganap noong Lunes, Disyembre 4 sa Rizal Integrated National School sa Brgy Rizal, Sorsogon City kasama ang Liteahus Founder and CEO Jack Growden at head ng EDC-Bacman’s Corporate Relations Department Ed Jimenez na sinundan ng Deed of Donation signing sa pagitan ng DepEd Sorsogon City Division Supt. Jose Doncillo at DepEd Albay Division Supt Nene Merioles at LiteHaus International.



Ang kaganapan ay sinaksihan ni Sorsogon City Mayor Ester Hamor, Brgy Rizal Chairman Rolando Antonio, EDC-Bacman Facility Head Marcel Rosario at Principal ng Rizal Integrated National School na si Domingo Bobier.
Maliban sa Rizal Integrated National School, apat pa na paaralan ang unang nakinabang sa Bicol partnership noong Lunes, kinabibilangan ito ng Inang Maharang ES at Nagotgot ES na parehong matatagpuan sa Manito, Albay at Pawa ES at Sto Nino Integrated School sa Sorsogon.
May kabuuang 150 refurbished laptop ang ipapamahagi sa 15 paaralan ngayong taon at ang natitira ay ibibigay sa 7 iba pang paaralan sa unang bahagi ng 2024.