E-serbisyo ng PNP, inilunsad; information dissemination para sa registration isinasagawa

Inilunsad ng Police Regional Office 2 ang PNP E-serbisyo program kung saan kasalukuyan na ang pagbisita ng mga kawani ng Cauayan City Police Station sa mga barangay sa lunsod upang ipaliwanag ang proseso ng registration dito.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, inilunsad ang E-serbisyo sa ilalim ng Lingkod Bayanihan Program ng PNP.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Layunin nito na mapabilis ang pagtugon ng kapulisan sa mga sumbong o reklamo ng mga mamamayan sa mga mahahalagang isyu sa komunidad sa pamamagitan ng social media o online platform.

Sa naturang programa, kinakailangang magrehistro ang isang indibidwal sa PNP E-serbisyo hanapin lamang sa facebook ang PNP lingkod bayanihan.

Mayroong form na sasagutan sa naturang registration kung saan mabibigyan ng Citizen ID ang nakapagregister na.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Kaugnay dito, ang citizen ID ay gagamitin sa paglog-in sa PNP lingkod bayanihan upang magamit ang mga serbisyo na kinabibilangan ng E-sumbong, Oplan E-visa, E-travel pass, Police E-clearance at LTOPF.

Samantala nagsimula nang nag-ikot ang mga kapulisan upang ipabatid ang nasabing programa kung saan una nang napuntahan ang Brgy, Alicaocao, at Marabulig 1, Cauayan City.